To The One Who Ghosted Me: Bakit?
- Popoy
- Jan 4, 2020
- 3 min read
Updated: Mar 3, 2020

'San ka? Coffee tayo? Dating nakagawian bago ka tuluyang naglaho sa buhay ko. Tanda mo pa ba? Ako ba’y naaalala mo pa? Tara, kape tayo tapos pag-usapan natin kung bakit ka biglang lumayo.
Bakit nga ba?
Bakit kung gaano ka-unexpected 'yung pagdating mo sa buhay ko, gano'n din ka-unexpected ang paglisan mo?
Bakit kung kelan nahuhulog na ang loob ko sa’yo, saka ka naman umalis palayo. Tayo ba ay may problema? May nasabi ba akong masama? Ano ang mali kong nagawa? May ugali ba akong hindi mo gusto? O may nahanap kang mas guwapo? Siya ba ay mas pasok sa standards mo?
Bakit? Special ako sa’yo, yan ang iyong ipinaramdam tapos sa ere mo ako ngayon iniiwan. Naaalala mo ba ako kahit minsan? Umalis ka nang walang paalam.
Bakit? Halos araw-araw na tayo noon nagkakamustahan. Halos oras-oras na tayong nagkwekwentuhan. Pag sa buhay ako ay nahihirapan, ikaw ay lagi noong nandiyan. At ako'y iyong tinuruan na ikaw ay aking pagkatiwalaan. Akala ko noon hindi mo ako sasaktan. Akala ko noon mauuwi na tayo sa simbahan. At andun na ako sa punto ng buhay ko na ang muling magmahal ay handa na ulit akong matutunan.
Oo, nakakatawa! After how many years, ready na ako na ang umibig muli ay subukan. Sarili ko ay kaya ko na ulit buksan para sa inaakala kong pag-ibig na pangmatagalan. Ready na ako ulit sumugal nang walang alinlangan. At ang kakulangan sa aking buhay, akala ko ay iyo nang mapupunan. Pero bakit?

Ilang taon kong pinagdasal na sana makatagpo na ako ng taong aking mamahalin at ako'y kanya ring iibigin. Ilang taon akong patuloy na umasa na makakilala ng tao na bibigyan ulit ako ng pag-asa. Ilang taon akong naghintay ng isang taong ang mali sa buhay ko ay itatama. Bakit ganon?
Alam mo kung gaano ako nasaktan sa aking mga nagdaang karanasan. 'Yun ay atin namang napag-usapan. At alam mo din kung gano kahirap ko natutunang muling magtiwala. Pero noong handa na akong puso ay ipaubaya, ikaw naman ay naglaho na parang bula. Bakit?
Araw-araw mo akong paulit-ulit sinasaktan dahil sa paglisan mo na hindi ko alam ang dahilan. Minu-minuto iniisip ko kung sa'n ako nagkulang. Sa pag-ibig ba ay wala na akong karapatan? Sawa na ang puso ko. Lagi na lang akong iniiwan. Luha ng aking mga mata'y di ko na mapigilan. Wala ka na bang nararamdaman? Munti nating mga alaala dapat ko na bang kalimutan? Bakit hindi mo ako pinapahalagahan? Bakit?
Kung ito talaga ang iyong gusto, ako na ay iyong iwanan. Wala na akong magagawa upang ikaw ay pigilan. Sanay naman na kasi akong pinapabayaan. Pero bakit? Walang kasing sakit ang ikaw ay iniwan nang hindi mo alam ang dahilan. Ikaw na ay lumisan. Pero hiling ko sana ay iyong pagbigyan: tapusin natin ito nang may usapan.
Ito na ba ang katapusan ng ating pag-ibig na hindi pa natin nasisimulan?
Ito na ba ang wakas ng ating pinangarap-ngarap na mga bukas?
Pansinin mo naman sana ang aking pagsusumamo. Pag-usapan natin 'to. Nang sa gano'n ako ay makapagpatuloy na sa buhay ko.
Ano na ba tayo?
May babalik pa ba na isang ikaw?
O ako ay dapat nang bumitaw?

A letter to the one who ghosted me, by Popoy.
Are you an aspiring writer or just someone who wants to express their thoughts and tell their stories?
Message us and submit your stories and articles. We can publish them anonymously or you can join and become one of the authors!
absolutely not!!! haha. ako ang na-ghost 💔
Ikaw nang ghost cher? :(
Grabe!!!! Ramdam ko 'to!!!!! hahaha "been there" 😂😂