top of page

Hiling

Sarap pakinggan ng bawat saglit

na mahal kita at mamahalin pa rin kita,

na ingat ka,

paulit-ulit at uulit-ulitin pa

kahit na kita kita na may kasama ng iba.

Mahal kita pero may mahal ka ng iba.


Ako na lumuha,

tumakbo pauwi.

Mata'y mga nakapikit,

sakit na hindi mabawi bawi.


Pero teka-teka

Daig pa ang magulang na may hinanakit,

na pumipikit dahil sa sobrang sakit.

Humahanap ng lunas o gamot,

para sa sugat na kumikirot.


Nagtiis sa init at sa lamig,

nanghina, nagpabaya't nagkasakit.

Patuloy na lumaban, nagpalakas, kumayod,

Makuha lang si sahod,

Maibigay lang ang iyong hiling

na hilig mong ulit-ulitin.


Sa araw gabi'y ikaw ang laging hiling,

ng pusong nagdurugo na kailangan ng gamutin.

Noon pagsubok ay kayang harapin.

Sakit ay kay bilis gamutin


Ngunit ngayon na wala ka na

pagbalik mo 'y hinihintay pa rin.

Ito ang hiling na hirap tuparin

na dapat ng limutin at kayang harapin


Pero mahal, ika'y pinapalaya na

isip at puso'y kailangan ko ng palayain pa.


Mawala ka man ng tuluyan

pag-asa ay naririyan pa,

mabuhay, lumigaya at patuloy na lumaban.


At ang dating "ikaw at ako"

ang "tayo"

ay ngayo'y "kayo na"

ay magiging masaya sa bawat isa.

Are you an aspiring writer or just someone who wants to express their thoughts and tell their stories? Message us and submit your stories and articles on our Gmail theyepfiles@gmail.com

We can publish them anonymously or you can join and become one of the authors.


Comentarios


  • Facebook
  • Pinterest
  • Instagram

theyepfiles

Content

A project in collaboration with YEP

Youth

Empowerment

Program

WHERE TO FIND US:

OPEN HOURS

Friday       4pm - 6pm

Saturday  5pm - 7 pm

Powered by Wix.com

bottom of page