top of page

To The Friend I’m Losing Because I’ve Fallen In Love: Pasensya Na, 'Di Ko Kayang Pigilan

  • Popoy
  • Jan 21, 2020
  • 2 min read

Updated: Mar 3, 2020


Kung alam ko lang na ang kapalit ay ang ating pagkakaibigan, ang pag-amin sana ay pinilit ko na lang pinigilan. Ako ngayo’y iyong iniiwasan dahil ayaw mo akong masaktan. Para lang tayong nasa sugalan. Sinugal ko ang isang matalik na pagkakaibigan dahil nahulog ako nang 'di ko inaasahan.


Pasensya na,' di ko kayang pigilan.


Kung alam ko lang na ang pagtingin mo sa akin ay magbabago, pagtingin ko sayo ay pinilit ko na lang sanang itinago. Ano ba 'to! Dapat nag-isip muna ako. Mukha akong gago.


Pero' di ko na kasi kayang pigilan.

Sa bawat panahon na tayo ay nagkakatinginan, nahuhulog ako sa mga mata mong kasing-lalim ng kalawakan. Ang puso ko ay tinamaan. Iba talaga para sa’yo ang aking nararamdaman. Nahulog ako sa isang matalik na kaibigan.


Pasensya na, 'di ko kayang pigilan.


Napakadaling ibigin ka. Bukod sa ikaw ay napakaganda, mas nahulog ako sa maganda mong kaluluwa. Pag ikaw ay kasama, lagi lang akong maligaya. Ikaw 'yung tao na laging maasahan. Ang pag-iyak ko ay lagi mong tinatahan. 'Pag ako ay may pinagdadaanan, ikaw ay laging nariyan. Kay bilis mong tawagan.


Kaya nga noong ang barkada ay nag-inuman, at tayo ay nagkwekwentuhan, di ko na namalayan na ikaw pala ay akin nang tinititigan. Pinasya ko talagang ikaw ay aking lapitan. Dahil mas gusto ko na iyong malaman, kesa habang buhay kong itatago ang katotohanan. At least, masasabi kong aking sinubukan. Ewan ko, siguro nagbakasali lang na ako din ay iyong magustuhan. Katangahan! Katangahan! Paano mo nga naman ako magugustuhan, eh ako simpleng tao lang na wala namang maipagmamayabang.


Pasensya na, 'di ko kayang pigilan.


Noong may pagkakataon, tayong dalawa na lang ang naroroon, inamin ko na sayo ang pag-ibig ko na pinalalim lalo ng gabing iyon, kasing lalim na ng balon.


Wala kang ibang nasabi kundi “Tama na, lasing ka na. Tara na umuwi.” At lumalim na ang gabi pilit kitang tinawag sa aking tabi. Kahit isang beses man lang, mayakap kita kahit sandali. Pero ikaw ay narindi. Nagpaalam ka biglang umuwi.


Yung gabing yun umiyak ako. Tanging ina! Ano ba tong ginawa ko. Para akong loko-loko na nagdadasal na sana maibalik ang ilang minuto. Napigilan ko sana ang sarili ko. Ikaw ngayon ay lumayo.


Kaibigan lang talaga para sayo ang aking halaga. At mula noong gabi na yun, ang pagkakaibigan natin ay nagiba. Ako sana ay mapatawad pa. Ako ay labis na nagsisisi na.


Pano ko ba maibabaling ang aking pagtingin kung sa araw-araw na ikaw ay aking nakikita ako ay nahuhumaling?


Ako ngayon ay naguguluhan. Gusto kong balikan ang matalik nating pagkakaibigan, pero okay lang din na ako ay iyong iwasan para hindi na ako umasa at masaktan.


Basta ang hiling ko para sa iyo ay kasiyahan. Magkaroon ka sana ng kasintahan na ikaw ay aalagaan. At para sakin, huwag kang mag-alala, umiiyak ako ngayon, nasasaktan at nanghihinayang pero alam kong isang araw may makikilala din ako na susukli sa pag-ibig ko na noon sa’yo lamang nakalaan.


Ilang taon na ang nakakaraan hindi ko na mabilang. Ikaw ay naririto parin sa aking puso’t isipan. Mahal na mahal kita. Sana ikaw ay magbalik sa buhay kong ngayon ay sobrang lamig na. At sa iyong pagbabalik, pakiusap ko sayo, mag-stay ka na kahit bilang kaibigan lang.

3 Comments


Unknown member
Jan 22, 2020

Nd pa ako ready hahahaha

Like

YEP
YEP
Jan 22, 2020

Share mo to sa facebook!

Like

Unknown member
Jan 22, 2020

❤️ ang galing ng lines and rhymes!!! 👏

Like
  • Facebook
  • Pinterest
  • Instagram

theyepfiles

Content

A project in collaboration with YEP

Youth

Empowerment

Program

WHERE TO FIND US:

OPEN HOURS

Friday       4pm - 6pm

Saturday  5pm - 7 pm

Powered by Wix.com

bottom of page