top of page

The Day You Said Goodnight

  • Writer: YEP
    YEP
  • Feb 27, 2020
  • 4 min read

Updated: Mar 3, 2020


Isa siyang mananayaw at ako naman ay isang kompositor ng kanta. Sa tuwing magsusulat ako ng kanta siya ang aking inspirasyon lalo na kung mga love songs. Lagi kaming nagkikita sa tuwing susunduin ko siya sa eskwelahan nila. Halos araw araw siyang pagod dahil sa ensayo ng kanilang sayaw. Habang nakaupo kami at nagpapahinga kinakantahan ko siya ng paborito niyang kanta at unti unti kong nararamdaman na nakakatulog na siya sa aking balikat.


Habang nakatitig ako sa kanya napapaisip ako kung gaano ako kaswerte sa babaeng ito. Hinayaan ko muna siyang makapagpahinga ng ilang minuto at hinatid ko na rin siya sa kanilang bahay. Gabi ng disyembre noon. Bago magpasko sumimba kaming dalawa. Sa pitong taon naming pagsasama nakagawian na namin ang pagsisimbanggabi. Habang nagdarasal kami napansin ko na parang namumutla siya kaya tinanong ko siya kung okay lang siya pero sabi niya "Oo okay lang medyo nahihilo lang ako."


Pinagpatuloy namin ang misa at sinama ko sa aking dasal na sana ay mas magtagal pa kaming dalawa at balak ko na sa december 31, birthday nya aalukin ko na siya ng kasal. Natapos na ang misa, nagpaalam siya na magbabanyo lang daw siya bago kami umalis kaya hinintay ko na lang siya sa labas. Paglabas niya, nakita kong may dugo sa labi niya kaya tinuro ko 'yon. Ang sabi lang niya ay nakagat lang daw niya pero alam kong hindi totoo.


Habang naglalakad kami pauwi may nadaanan kaming mga bilihan ng kakanin kaya bumili kami. Pareho kasi kaming mahilig sa ganito. Nagkakilala kaming dalawa dahil sa kakanin. Naalala ko magkaklase kaming dalawa noong highschool at pinag-agawan pa namin yung nag-iisang kakanin na natira sa canteen. Pero 'yun din pala ang magiging paraan upang makilala ko ang babaeng pinapangarap kong makasama habangbuhay.


Habang kumakain kami sa labas ng kanilang bahay dahil medyo maingay sa loob kasi magpapasko na, napansin ko na nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti. Alam kong may mali na sa kanya at 'yun ang gusto kong malaman."Gwapo mo talaga." Ayan ang sinabi niya tapos tumingin sa langit. "Ang swerte ng susunod mong mamahalin. Medyo malapit ka ng maging perpekto".


Napasimangot naman ako at sinabi kong siya lang ang mamahalin ko at wala ng susunod pa. Habang kumakain kami kinakantahan ko siya at sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay bigla niyang sinabing, "Gusto ko sa mga huling sandali ng buhay ko ay boses mo ang naririnig ko". Bigla akong napatigil kasi hindi naman siya gano'n magsalita, kaya tinanong ko siya kung may gumugulo ba sa isipan niya o kung may tinatago siya sa akin pero ngiti lang siya at sinabing,"S'yempre wala, sinasabi ko lang na ikaw pa rin ang gusto ko hanggang sa huling sandali."


Bago mag alas dose pinapasok ko na siya sa loob ng bahay nila dahil sa aming bahay din naman ako mag nonoche buena. Bago siya pumasok binulungan ko muna siya na, "Ito ang huling paskong hindi tayo magkasama dahil sa mga susunod na taon magkasama na tayong dalawa." Matapos kong sabihin ito nakita ko siyang ngumiti pero may tumulong luha sa kanyang mga mata. Kaya tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Wala daw, tears of joy lang daw.


Bago ako umalis hinalikan ko siya sa kanyang mga labi at sinabi niya sa akin na, "Mahal na mahal kita. Salamat sa lahat. Goodnight."


Saktong pag-uwi ko tumunog ang cellphone ko, text mula sa girlfriend ko. Sobrang habang message na sa tingin ko ay hindi niya lang ngayon to ginawa. Tingin ko matagal na. Hindi ko na masasabi ang kabuuan pero sa madaling salita iniiwan niya ako. Napamura ako sa mga nabasa ko.


Bakit hindi ko napansin na unti unti na siyang nanghihina?


Pinakita niya sa akin ang mga larawan at papel na galing sa doctor niya. At ngayon ang huling araw niya. Meron na pala siyang malalang sakit sa puso na hindi na naagapan at mas pinili niyang huwag nang lumaban pa.


Mas lumala pa ito dahil sa pagsasayaw niya at bukod pa do'n nalilipasan na rin siya ng gutom. Pagkatapos kong mabasa 'yon, agad akong pumunta sa bahay nila bitbit ang gitara ko. Dahil kung hindi ko man siya maililigtas at magagawang dugtungan ang buhay niya, kahit magawa ko man lang bagay na gusto niya.


Pero huli na ang lahat, nakita ko na nag-iiyakan na sila tita habang nakayakap sa kanya. Habang nanggigilid ang luha ko sinimulan ko ng patugtugin ang gitara ko habang papalapit sa kanya.


Ako na lang pala ang hindi nakakaalam na iiwan na niya ako?


Umaasa ako na makakasama ko na siya hanggang sa pagtanda pero iiwan niya din pala akong mag-isa.


"The day you said goodnight" ang napili kong kantahin. Alam kong wala na siya, pero alam kong naririnig pa rin ako ng puso niya. Tinitigan ko lang ang mukha niya habang inaalala ang lahat ng alaalang binuo naming dalawa na ganon lang kabilis nawala.


"The day you said goodnight was also the day you said goodbye."


____________________________________________________________________________________________


Naranasan mo na rin bang mawalan ng minamahal? Naramdaman mo na rin bang masaktan na alam mong kahit kailan ay hindi ka na niya mababalikan?


This story is sent by an anonymous author.


Are you an aspiring writer or just someone who wants to express their thoughts and tell their stories? Message us and submit your stories and articles, we can publish them anonymously or you can join and become one of the authors!

 
 
 

Comments


  • Facebook
  • Pinterest
  • Instagram

theyepfiles

Content

A project in collaboration with YEP

Youth

Empowerment

Program

WHERE TO FIND US:

OPEN HOURS

Friday       4pm - 6pm

Saturday  5pm - 7 pm

Powered by Wix.com

bottom of page