: Sa sandaling napag-isa
- Mr. Minx
- Mar 20, 2020
- 1 min read
Sa habahaba ng panahon ngayon lang nakapag-isa, kung kailan sitwasyon ay disgrasya ang dala. Makikita sa mga mata ang tunay na nadarama. Mga mata'y nagluluksa, namomroblema kung ang bukas ay mahaharap pa.
Sa sandaling napag-isa, isang kaugalian na patuloy na ginawa. Magsisimula sa paggising, magigising ang diwa at magmunimuni saglit. Mapapaisip sa bagong liwanag sabay sabi ng salamat at nagising pa. Ang iisang lugar at masisilayan muli. Mula banyo at kusina na hanggang dulo. Almusal, tanghalian, miryenda at pati na rin hapunan ay kakainin na muli. Isang pagkaing datingan ay lahatan.
Babalik sa pinanggalingan. Lugar kung saan kumportable at ligtas ang matatagpuan. Maghahanap ng kaibigan o kapamilya na makakausap, makakakulitan kahit hanggang telepono man lang.
Matatapos ang araw na walang natutunan. Syempre hindi makakapayag ng ganyan lang. Meron namang teknolohiya o libro pero mauuwi rin sa teleseryeng kinababaliwan. O mga bagay na dapat ayusin at gawin, mga dumi at kalat na kailangang linisin. Mga pinapangarap na dapat ng simulan.
Natapos ang araw, mga sandali ay nagampanan.
Lumipas ang oras, buwan ay nasilayan na naman, mga bituin nagsisilbing liwanag sa kalangitan. Muli nagpapasalamat sa paghimlay na walang kapahamakan.
Comments