top of page

Sa Pagitan Ng Araw At Gabi

Updated: Mar 3, 2020



"Ang tulang ito ay para sa relasyong langit at lupa ang pagitan, distansya at oras ang laging kalaban. Tanong ng karamihan meron nga bang pinapatunguhan?"


Ldr? Para lang dalawang taong matatag.

Sobrang saya na kahit sa isang tawag

Sa cellphone o laptop ay laging nakaharap "Mahal mag iingat ka malayo ka man sa akin pangako hindi ako maghahanap.


Ang dami kong naging tanong bakit ang daya ng panahon. Sisimulan tayo ng magandang relasyon pero matatapos din pala sa isang desisyon

Isang desisyon na hindi ikaw o ako ang masusunod na kahit ang tadhana ay hindi nalulugod.


Sino ba naman ang malulugod?

Nagulat ako nang malaman kong kelangan ko ng umalis

Kelangan ko ng umalis hindi sa puso mo kundi mas masakit pa, lalayo pala ako ng milyamilya ang distansya at akoy biglang nangamba na baka sa pag alis ko'y bigla kang makahanap ng iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya.


Ang hirap kasing sabihin na ikaw ang mundo ko dahil sa bawat pagmulat ng aking mga mata naiisip at naalala ko na "Oo nga pala magkaiba nga pala tayo ng mundo, dito ay umaga at d'yan ay gabi"


October 10 d'yan, October 11 na dito

Mag uumagahan ka, Maghahapunan ako

Gising kana, Matutulog pa lang ako

Sisinag ang araw d'yan, Lulubog pa lang dito


Ang hirap mag adjust paano naman tayo gagalaw sa ganitong mundo.

Paano tayo magkakasundo kung 'yung mundo na mismo ang hindi magkasundo


Gusto kitang yakapin, lambingin ang paghaplos sa'yo ay parang sinusungkit ang mga bituin.

Dahil kahit anong gawin sa'yo lang titingin at kahit malayo ka ikaw lang ang mamahalin


Dahil ikaw lang ang nag-iisang bituin na nagniningning sa aking paningin

Itatago na lang sa bawat ngiti o

Ililihim na lamang ang bawat pighati

Ako'y magtitiis sa bawat saglit kahit nasasabik na makita kang muli.


Pero parang sa pagtagal ng panahon ay tuluyan ng nagkakalayo hindi lang sa mundo pero pati sa puso

Ang sakit, sobrang sakit kasi unti-unti ng nawawalan na ng oras sa isa't isa, puro na lang sakit, wala ng pagmamalasakit.


Hanngang unti-unti ng nanlamig ang mainit nating pagmamahalan

Ang dating tawanan ay tila naging iyakan

Ang nakasanayang lambingan ay humantong sa sumbatan


Mahal, ipapaalala ko lang, naalala mo pa ba ang araw na nangako ka na kahit ano'ng mangyari ay walang iwanan.

Pero bakit ngayon parang ikaw na mismo ang gustong lumisan?


Pinilit kong tanggalin ang kadenang nakatali sa nakaraan natin

Pinilit kong kalimutan ang sumpaang ikaw at ako lang

Ang magdamagang usapan noon ay tutulugan na lang


Hindi ko alam kung dapat pa bang ipaglaban ang ating pagmamahalan o mas nararapat na itong kalimutan?

Hanggang saan ba aabot ang alon ng ating pagmamahalan?


Kasabay ng pagpatak ng aking luha ang pagbuhos ng malakas na ulan na tila sumasang ayon sa aking kapighatian

Dahil mahal unti-unti na tayong nagkakalabuan


Hanggang dumating na nga araw na ikaw ay tuluyan ng bumitaw

Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa biglaan mong paglisan

Sobrang bigat sa damdamin pero aking kakayanin


Mga pangakong napako dahil sa salitang "ayoko na"

Pagod at sawa ang iyong nadama, dahilan upang iwan akong mag-isa sa dating pinagkakapitan nating dalawa

Parang kahapon lang nung tayo'y masaya pa

ngunit isang segundo lang bigla na lang nag iba.

"Sa pagitan ng Araw at Gabi"



Tama nga sila na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao minsan hindi 'yan nagiging enough para manatili ka sa isang relasyon ninyong may nakapagitang distansya.


Minsan nawawalan kayo ng pag asa na mag wowork kayong dalawa. In short, takot ka. Takot ka dahil hindi kayo magkasama. Takot ka dahil hindi mo nakikita ang ginagawa nya.Takot ka na anytime mawawala siya sa'yo dahil magkalayo kayo.


The point is kung takot ka huwag mo ng subukan.

Kasi masasaktan mo lang ang sarili mo at ang taong mahal mo kahit nasa malayo ka.


To those na nasa LDR na, kapit lang. I know it's hard lalo na at may mga bagay kayo na gusto ninyong sabihin sa isat isa at gawin in person, but still, mag stay ka. Lalo na if alam mo na totoong mahal ka niya. I know it will all be worth it in the end. Work hard for your relationship and stay faithful to each other.
 
 
 

Comentarios


  • Facebook
  • Pinterest
  • Instagram

theyepfiles

Content

A project in collaboration with YEP

Youth

Empowerment

Program

WHERE TO FIND US:

OPEN HOURS

Friday       4pm - 6pm

Saturday  5pm - 7 pm

Powered by Wix.com

bottom of page