SA MULING PAGBUKAS NG AKING MGA MATA
- YEP
- Apr 20, 2020
- 1 min read
Panibagong umaga,
pagbukas ng aking mga mata
Tanong ko sa aking sarili,
tila pa ulit-ulit na
“Masaya ka ba?”
Sa mga bagay na meron ka?
Sa mga taong kasama mo?
Sa lugar na kinatatayuan mo?
Masaya ka ba?
Dahil hanggang ngayon
andito ka pa?
Kahit pag gising mo
sa umaga mag-isa ka?
Masaya ka ba?
Dahil gusto mo o kailangan mo?
Masaya ka ba? Talaga?
Ilang beses mo bang
naitanong ito sa sarili mo?
Ilang beses bang totoo
ang naging sagot mo?
Bakit kapag naririnig mo
ang tanong na ‘to,
napapahinto at napapaisip ka ng totoo.
Dahil ba hindi ka
totoong masaya?
Dahil ba matagal mo na
iyong hindi naramdaman?
O dahil ba ang huling taong
nagparamdam noon sayo,
ngayon ay wala na?
“Masaya ka ba?”
Tatlong salita lang naman ito.
Pero kita ko sa iyong mga mata
ang takot sa pagsagot.
Masaya ka ba?
Kailangan mo ba talaga?
Isang salita lang naman
ang sagot para makabangon ka na.
An anonymous submission.
Are you an aspiring writer or just someone who wants to express their thoughts and tell their stories? Message us and submit your stories and articles on our Gmail theyepfiles@gmail.com. We can publish them anonymously or you can join and become one of the authors!

"Eh, ikaw, masaya ka ba?"
Let us know in the comments!
parang ang lalim ng pinagmulan ng mga salita niya...