Mga Bakit Sa Gitna Ng Ating Distansya
- davefns
- Mar 5, 2020
- 1 min read
Updated: Mar 19, 2020
Noong una tayong magkakilala’y hindi ko akalain na magiging importante ka para sa akin.
Tayo’y tila ba hindi mapapaglayo ng sino man.
Ngunit lumipas ang panahon, at nagsimula na rin ang mga hindi pagkakaintindihan.
Bagay na hindi natin maiiwasan sapagkat ito’y normal lamang sa mga magkakaibigan.
Ngunit bakit noong humingi ako sa'yo ng espasyo para makapag-isip, noong sarili ko’y nalilito, bakit tila ang aking katwiran ay 'di mo gusto?
Ang sabi mo ikaw naman ay naririto at ako’y tutulungan mo.
Kaibigan, alam kong sa tuwing may problema ako’y lagi kang nariyan, ngunit hanggang kailan?
Ako’y nangangamba na baka masanay ako na ikaw ay nariyan, at sa huli naman pala’y mga salita lamang ang iiwan.
Hindi tayo nagkaintindihan noong sinabi ko na sa'yo ay wala akong kailangan.
Bigla tayo’ng nawalan ng komunikasyon at tila ako’y napaisip, “paano kung ako’y naging bukas ang isipan?”
Ang atin kayang pagkakaibigan ay hindi hahanggang doon lamang?
Ang daming katanungan na sa aking isipa’y hindi mailabas.
Paano kung ako’y hindi lumayo? Ikaw kaya’y hindi sumuko?
~May mga bagay na nagtatagal, at may mga bagay din naman na panandalian lamang. Ang pagkawala ng bagay na iyon ay hindi ibig sabihin ay katapusan, subalit ang simula ng panibagong pagsubok na kailangan mong lampasan.~
This story is sent by an anonymous author.
Comments