Naniniwala ka ba sa LDR? "Long Distance Relationship"
- YEP
- Feb 5, 2020
- 2 min read
Updated: Mar 3, 2020

Relasyong wala namang kasiguraduhan kung magtatagal hanggang dulo. Bakit naman kasi sa damidaming makikilala ikaw pa. Sa'yo pa nahulog. Meron at marami naman diyan na pwede pagpilian pero bakit ikaw pa?!! Kung sino ang malayo doon kumapit. Sinewerte ba o minalas pa? Naiinggit ako sa mga barkada ko, sobra! Kasama nila 'yung mahal nila, holding hands while swaying pa, yakap na sobrang higpit. Ako naman ay nagsosolo sa isang sulok, naghahanap ng presensya at makakasama ko sa saya. Hindi yun nagiging third wheel na lang lagi sa kanila. Cellphone o computer ang kaharap ko sa tuwing makakausap kita. Parang lang tayo nanunuod ng balita sa TV kasi nagiging reporter na tayo o teleserye dahil sa kadramahan natin kung kakayanin pa ba? Susugal at lalaban pa ba? O susuko na? Ang hirap ng ganito!!! Relasyong hindi alam kung may patutunguhan pa. Wag ng patagalin pa kung wala namang kasiguraduhan para puso at isipan natin ay lumaya na. Pero kung papakinggan ang puso ay ikaw pa rin ang isinisigaw. Lalaya nga ba kapag pinakawalan at sumuko nang tuluyan? Tiwala. Hindi hadlang ang layo ng isa't isa para patuloy na magmahalan. May tamang panahon kung kailan magsasama. Pakinggan ang puso, hindi ang mga taong naninira at nagsasabing wala namang pag-asa. Hindi mawawala ang mga taong sisira sa mga nabuo nating ala-ala. Tiwala ang pahalagahan at huwag nating sayangin. Pagmamahalan ay patuloy na ipaglaban hanggang sa huling sandali at magsama nang tuluyan.
Written by an Anonymous Writer
Are you an aspiring writer or just someone who wants to express their thoughts and tell their stories?
Message us and submit your stories and articles, we can publish them anonymously or you can join and become one of the authors!
Comentarios