Muntik Na
- YEP
- Feb 25, 2020
- 1 min read
Updated: Mar 3, 2020

Muntik na, muntik na. Kung kailan planado na ang lahat, kung kailan handa na tayong makapiling ang isa't isa, tila tadhana na ata ang nagkukusa. Muntik na, muntik na. Pananabik ay naglaho, mga ngiti naging simangot. Hindi ko plinanong paasahin ka, 'pagkat ang una kong layunin ay ang makasama ka. Ito na nga ba ang sinasabing "tamang tao, maling oras"? ngunit ayaw kong maniwala sa mga salitang ito. Dahil kapag gusto, may paraan, at dahil gustong-gusto kita, itutuwid ko ang mga posibleng dahilan. Pipilitin ko, kahit na magpilipit pa tayo. Gugustuhin ko, kahit pa sabihin mong "ayaw ko." Oo, gusto kita at ang pagtingin ko sa'yo'y hinding-hindi mag-iiba. Ano man ang sabihin nila kakapit ako sa aking nadarama. Sapagkat sa huli puso'y laging nagwawagi, ikaw lang, crush, ang namumukod-tangi. Muntik na, muntik na, sana sa susunod ay totoo na. Kukulayan na natin ang ating mga guhit habang kinukulayan natin ang mag-iisang mundo natin. Itutuloy na natin ang ating mga plano nang walang kamalay-malay sa istoryang ating mabubuo. Meron nga ba talaga? Naudlot man ang unang plano, may pangalawa at pangatlo pa. At hihintayin ko nang sabihin mo, "yung muntik na, totoo na pala." Muntik na, muntik na.
____________________________________________________________________________________________
Are you an aspiring writer or just someone who wants to express their thoughts and tell their stories? Message us and submit your stories and articles, we can publish them anonymously or you can join and become one of the authors!
Comments