Ikaw At Ako, At Ang Kontrabidang Virus Na 'To
- Mar 16, 2020
- 1 min read
Mula sa dalawa, tatlong beses na pagkikita
sa bawat linggo mula ng tayo'y nagkakilala
ngayon eto kahit limang minuto
hindi ko na alam kung paano,
kung kailan mauulit
ang makasama ka at makulit.
Hindi oras ang dahilan
'pagkat ito ay lagi mong nasosolusyunan.
Maging distansya'y hindi hadlang
'pagkat sabi mo ang gustong makasama ay ako lamang.
Kahit pagod sa trabaho, gabi na at mas mabuti pang magpahinga na
ako'y iyong iniimbita "labas tayo, gusto kong makita ka".
Ang kontrabida sa istorya CoVid kung tawagin nila.
Takot ang dala, sakit at problema.
Patuloy ang mga balita ng kanyang mga biktima
pero sabi natin malayo tayo sa kinalalagyan nila.
Hindi natin inalintana na posibleng nasa paligid na rin natin siya.
Heto ngayon, biglaan, maging ang lumabas ng bahay ay bawal na.

Ako ay nag-aalala na bukas 'makalawa
ikaw ay maglaho tulad nila. Oo, nila.
Base sa aking mga huling karanasan
na aking aaminin ay hindi kagandahan,
kung matagal tayong hindi magkikita
ang mga masasayang araw posibleng magigi na lang alaala.
Siguro ako'y mali dahil kahapon iyong sinabi
"stai tranquilla, ci vediamo prima di quanto pensi".
Ako ay napangiti, nadagdagan ang pag-asa.
Pisngi ko raw ay naging pula, mata ay tumatawa.
Hindi na maikakaila
ako'y iyong napapasaya.
During the day at pareho tayong nasa trabaho
and out of the blue may message kang "stasera ci sentiamo?"
gustuhin ko mang sumagot ng "certo, amore mio"
kailangan kong pigilan at baka mapasobra ako.
Sagot kong "va bene" ay sapat na siguro
para malaman mong mamayang gabi ako ay iyo.
Dalawa o tatlong linggo? O siguro buwan ang bibilangin
bago dumating ang araw na muli ikaw ay pwedeng yakapin
ngunit nang sabihin mong "così hai tempo per allenarti e battermi a ping-pong"
hindi ako nakaimik, dila tila ay umurong.
Siguro nga pag-alis ng virus na kontrabida
magkakatotoo ang sinabi mong "a pallavolo ti aspetto quando arriva la primavera".
Comments