top of page

Falling in Love is not a Competition

  • Writer: YEP
    YEP
  • Mar 1, 2020
  • 3 min read

Updated: Mar 3, 2020


Naalala mo pa ba? Kapag ikaw ay nasa isang birthday party, o kaya reunion ng buong pamilya, lalapit ang tita mo sa’yo, konting kamustahan tapos biglang magtatanong, “ilang taon ka nga ulit?” Tapos ikaw na pangiti-ngiti lang, “I’m 23 years old na po tita.” Sagot mo naman para hindi nakakahiya sa kanya. Pero sa loob mo, ramdam mo na 'yung susunod niyang itatanong sa’yo na hindi siya ang naunang taong magtanong ng bagay na 'yun.


Nasa isipan mo na rin' yung sagot sa tanong niya kaya nadinig mo bigla nung sinabi niyang “kailan ka magboboyfriend? 'Yung pinsan mong si Anne ang tagal na nila ng boyfriend niya. Ang kuya Chris magpapakasal na. Ikaw hija, kailan mo balak magka-boyfriend?” Deep inside ramdam mo na' yung inis kasi paulit-ulit na lang ang pagtatanong nila. Hindi lang siya, maski ang ibang taong nakapaligid sa’yo.


Nahihiya ka lang sa tita mo kaya sinagot mo na lang na “in God’s perfect time tita. Dadating din tayo dyan pero sa ngayon, I’m glad to be single.” Sagot mo na may kasamang ngiti saka umalis sa tabi niya at pumunta sa buffet para i-enjoy yung mga pagkain.


Bakit nga ba ‘yon ang lagi nilang katanungan?


Bakit ba tila nagmamadali silang makita ka na may minamahal?


Napaisip lang ako, falling in love is not a competition, right?


Hindi ito tulad ng isang karera na paunahan kayo sa finish line.


Hindi rin ito parang trophy na ididisplay mo sa bahay niyo kapag nauna ka.


Hindi mo rin ito gagawin o mararamdaman kasi 'yung mga pinsan mo, mga kaibigan mo o' yung mga taong malapit sa’yo ay may mga minamahal na.


Hindi rin naman siguro masama kung nagdesisyon ka na hindi muna magmahal, kasi gusto mo 'yung pagmamahal na maeexperience mo, iyon na 'yung the best.


Falling in love is not a competition.


I want to remind you that you can fall in love in your own time, in your own season, in your own moment.


Ikaw ang makakapagdesisyon kung handa ka na bang isugal yung puso mo. You don’t do it just because almost everyone in your circle does it. You do you.


You love whoever you love, whenever you dim it fit.


"I want to remind you that you can fall in love in your own time, in your own season, in your own moment."

Hindi tayo nagpapaligsahan, kaya 'yung iba sa sobrang pagmamadali nila nagkakamali na sila ng pagtingin sa pagmamahal. Akala nila “true love” na 'yun pero ang katotohanan pala, infatuation or admiration lang.


Kagaya ng pagiging successful, loving takes time, it takes effort, it takes two people na handang magpuno ng kulang sa isa’t-isa.


Hindi mo kailangan madaliin ang pagmamahal. Hindi mo kailangan makipagpaligsahan sa iba para lang maging “in” ka sa grupo.


Magmahal ka sa panahon na tingin mong handa ka na, sa panahon na kaya mo nang ibigay ang buong ikaw sa taong mamahalin mo. Doon sa panahon na masasabi mong "ah kaya pala ako naghintay ng matagal kasi itong the best ang makukuha ko".


Pray for love. Pray for it to be the best thing that will ever happen to you. Because falling in love is not a competition.


____________________________________________


Hindi minamadali ang pagmamahal dahil lahat naman tayo ay dadating diyan, sa iba't-ibang panahon at pagkakataon nga lang.


---------------------------------------



Are you an aspiring writer or just someone who wants to express their thoughts and tell their stories? Message us and submit your stories and articles, we can publish them anonymously or you can join and become one of the authors!

Σχόλια


  • Facebook
  • Pinterest
  • Instagram

theyepfiles

Content

A project in collaboration with YEP

Youth

Empowerment

Program

WHERE TO FIND US:

OPEN HOURS

Friday       4pm - 6pm

Saturday  5pm - 7 pm

Powered by Wix.com

bottom of page