Are you ready to fall in Love?
- YEP
- Feb 10, 2020
- 2 min read
Updated: Mar 3, 2020

Mahulog sa tamang tao o sa maling tao para masaktan.
Napaghahandaan o napag-aaralan ba kung paano magmahal nang tama?
Para wala ng masaktan at umiyak sa maling tao
bakit wala kayang Love Subject?
Maraming matutunan dito.
Magiging favorite ito ng lahat at walang tatamarin pumasok sa subject na ito.
Gising na gising ang mga magiging estudyante.
Masaya ba ang ma-in Love?
Oo, s'yempre, sa tamang tao.
Pero habang tumatagal nagiging mahirap.
Parang nasa roller coaster ride lang.
Up and down with matching ikot pa.
Masaya pero nakakatakot na.
Hindi naman kasi puro saya lang ang magmahal.
May mga panahon na iisipin ninyong sumuko sa isa't isa, mapapatanong kung worth it pa ba mga ginagawa niyo. S'yempre hindi mawawala ang mga kontrabida sa storya ninyo, mga taong hahadlang at tututol sa pagmamahalan ninyo.
Isa sila sa mga susubok kung gaano kayo katatag at kung hanggang kailan kayo tatagal, hanggang dulo ba?
O sa sandaling sumuko na.
Kapag mahal mo hindi mo sasaktan, paaasahin, o iiwanan mag-isa sa ere.
Huwag kang pumasok sa isang relasyon kung wala ka naman kasiguraduhan sa iyong nararamdaman.
Hindi 'yung kapag sawa ka na paiiyakin mo o iiwanan mo basta-basta.
Hindi laruan ang puso para pagtripan dahil bored ka o dahil naiinggit ka sa mga kaibigan mo.
Kapag mahal mo paiyakin mo sa saya, hindi dahil sa lungkot na nararamdaman.
Excited ka na ba magmahal nang tuluyan na tatagal hanggang sa huli?
Susugal ka ba o matatakot ka na lang mahulog?
Mararamdaman mo na 'yan sa tamang tao kapag nasa harapan mo na. Dadating at dadating din yan. Hindi mo maiiwasan kapag tinamaan ka ng pana ni kupido.
Hays, Feb-ibig... kung gaano kasaya ang buwan na ito, ganun din siya kasakit para sa mga pusong nabigo. Ikaw ba? Ready ka na bang sumugal sa love?
Submitted by an anonymous writer
Are you an aspiring writer or just someone who wants to express their thoughts and tell their stories?
Message us and submit your stories and articles, we can publish them anonymously or you can join and become one of the authors!
Comments