top of page

Agos ng buhay

  • Writer: YEP
    YEP
  • Feb 8, 2020
  • 1 min read

Updated: Mar 3, 2020


Gusto kong magpadala sa mabilis na agos ng buhay

Kalimutan ang bawat problema

Iwanan ang masasakit na mga ala-ala

Mabuhay nang tahimik na mag-isa


Gusto kong magpaanod sa malakas na agos

Gusto kong tangayin sa lugar na walang nakakakilala

Magsimula ulit sa umpisa

Sumakay sa mga alon na walang kaba

Kahit na matumba, babangon ulit gamit ang mga paa


Gusto kong magpaagos kahit saan man mapunta

Bubuksang maigi ang aking mga mata

Sisiguraduhing wala nang papatak pang mga luha


Gusto kong magpaanod sa mabilis na agos

Iwanan ang lahat ng takot

Gusto kong magpadala sa mabilis na agos ng buhay

Hindi man ako magaling lumangoy at kahit hindi man ako ganoong kahanda


Submitted by an Anonymous writer

Comments


  • Facebook
  • Pinterest
  • Instagram

theyepfiles

Content

A project in collaboration with YEP

Youth

Empowerment

Program

WHERE TO FIND US:

OPEN HOURS

Friday       4pm - 6pm

Saturday  5pm - 7 pm

Powered by Wix.com

bottom of page